Nangako sina South Korean President Lee Jae Myung at Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba na palalalimin pa ng kanilang mga bansa ang aniya’y ‘inseparable’ na ugnayan, matapos ang naging kanilang unang pagpupulong sa G7 summit na ginanap sa Canada nitong Martes (local time).
Tinawag ni Ishiba na mas mahalaga ngayon ang may tatlong kaalyado, kabilang ang Estados Unidos at South Korea sa harap ng mga hamon sa rehiyon gaya ng banta ng nuclear weapon ng North Korea at ang tumitinding hidwaan sa China.
Bagama’t may agam-agam noon si Lee sa administrasyon ng Japan, ipinakita nito ang kanyang pagnanais at pananaw bilang bagong pangulo ng South Korea.
Kasabay nito, nagsagawa naman ng kauna-unahang joint air drill ang South Korea, Japan, at U.S. sa ilalim ng administrasyon ni Lee, isang senyales ng nagpapatuloy na kooperasyon pangseguridad ayon sa mga eksperto.
‘His first travel abroad for the G7 summit demonstrates South Korea’s global governance contributions with fellow middle powers like Canada that are committed to defending the international order,’ ani Professor Leif-Eric Easley, ng Ewha University sa Seoul.