-- Advertisements --

Bumagsak ang ranking ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ang pasaporte.

Sa inilabas na ulat ng Henley Global Passport Index, nasa pang-73 bilang most powerful passport sa buong mundo.

Ang nasabing ranking ay mas mababa kumpara noong Hulyo ng nakaraang taon na nasa pang-72.

Ibinase ang ranking sa pamamagitan ng kabuuang bansa na maaring mabisita ng passport holder na visa-free.

Ayon sa datos ng International Air Transport Association (IATA) na bawat visa-free destination ay katumbas ng isang puntos.

Noong 2024 ay nasa 73 rin ang Pilipinas, habang pang-78 naman noong 2023 , 80 naman noong 2022 , 71 noong 2021 at 74 noong 2020.

Nanguna pa rin sa listahan ang bansang Singapore kung saan ang kanilang citizen ay maaring bumisita sa 192 na bansa na visa via free na sinundan ng Japan at South Korea sa pangalawang puwesto habang nasa pang-10 puwesto ang US na mayroong 179 na bansa na bibisitahin ng visa-free.