-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Personal na nasaksihan ng isang Overseas Filipino Worker o OFW sa Abu Dhabi ang malakas na pagsabog sa US Military Base matapos atakihin ng Iran.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Nicole Bedtao, malapit lang sa nasabing airbase ang kaniyang lokasyon dahilang makikita nito sa bintana ang mga pagsabog na susundan sa nagliparang mga debris at makakapal na usok.

Ang nasabing pagsabog umano ay may napatay na isang worker na Pakistani matapos natamaan ng debris.

Ang bawat pagsabog umano ay nagpapayanig sa kanilang tinitirhan at kung makatatama sa lupa mas malakas ang pagyanig.

Makikinig rin nila ang putukan dahilang kabado sila ngunit pilit nilang pinakakalma ang sarili lalo na’t may maraming bata na kanilang inalagaan.

Ngunit kahit pa sa pangyayari, inihayag ng OFW na hindi niya naisipang umuwi dahil buo parin naman ang kaniyang sahod habang walang naghihintay na trabaho sa Pilipinas.