-- Advertisements --

Umapela ang South Korean prosecutors na patawan ng parusang kamatayan si dating South Korean President Yoon Suk-yeol kaugnay sa panandalian at nabigong deklarasyon ng martial law noong Disyembre 2024.

Nitong Martes, natapos na ang criminal trial ni Yoon na tumagal ng 11 oras para sa insurrection, abuse of power at iba pang mga paglabag kaugnay sa kaniyang deklarasyon.

Sa closing remarks, inakusahan ng prosecutors si Yoon ng pagiging ringleader ng “insurrection” na nagbunsod sa pagnanasa sa kapangyarihan para sa dictatorship at pangmatagalang pamumuno.

Inakusahan din ng prosekusyon si Yoon na hindi umano nagpapakita ng pagsisisi sa mga aksiyong nagawa niya na inilagay sa banta ang constitutional order at demokrasiya, kung saan ang pinaka-biktima ng insurrection ay ang mga mamamayan ng kanilang bansa.

Bunsod nito, iginiit ng prosekusyon na walang mitigating circumstances ang maikokonsidera sa paghatol sa dating Pangulo at sa halip ay dapat na patawan ng matinding parusa.

Idinipensa naman ng dating South Korean President ang kaniyang sarili at nanindigang ginawa lamang niya ang kaniyang lawful authority bilang president at ang kaniyang ginawa ay hindi isang military dictatorship para pigilan ang mamamayan kundi para maprotektahan ang kalayaan at soberaniya ng kanilang bansa at buhayin ang constitutional order.

Nakatakdang ibaba ang hatol ang korte sa kaso ni Yoon sa Pebrero 19 ng kasalukuyang taon.