-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng 20 buwan si dating South Korean First Lady Kim Keon Hee.

Ang nasabing kaso ay may kaugnayan sa pagtanggap nito ng lagay mula sa kontrobersyal na Unification Church.

Ibinasura naman ng korte ang reklamo laban sa 52-anyos na si Hee dahil sa pagmamanipulang stock price at pagtanggap ng libreng opinion polls mula sa political broker bago ang 2022 presidential election kung saan ang asawa nitong si Yoon Suk Yeol ang nagwagi.

Una ng hinatulang makulong si Yoon ng limang taon dahil sa pag-abuso ng kapangyarihan at obstruction of justice na may kinalaman sa bigo nitong pagdeklara ng martial law noong 2024.