-- Advertisements --

Napaulat na nagbitiw na umano bilang kalihim ng Department of Tourism (DOT) si Secretary Christina Frasco.

Kung saan nagpaabot na rin umano ang kalihim ng farewell message sa kaniyang mga katrabaho sa ahenisya, base sa isang source.

Napaulat din na nakahanap na ang Malacañang ng papalit kay Frasco. Ito ay si veteran trade diplomat Dita Angara-Matahy, na kasalukuyang nagsisilbi bilang commercial counselor ng Pilipinas at special trade representative sa Tokyo.

Posibleng i-anunsiyo ang bagong appointment ni Angara-Mathay anumang oras.

Ang posibleng pagpapalit sa liderato ng Tourism Department ay matapos umani ng batikos si Frasco dahil sa umano’y “self-promotion” sa government tourism materials, na mariing itinanggi ng kalihim bilang walang basehan.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa Malacañang kaugnay sa posibleng pagbibitiw ng DOT Secretary.