-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na nananatiling prioridad pa rin nila ang kaligtasan ng mga turistang South Korean sa bansa.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, na sila ay nakipag-ugnayan sa lahat ng mga ahensiya para iprioridad ang kaligtasan ng mga dayuhan.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagkabahala ng ilang mga Korean nationals dahil sa nagaganap na pandurukot at kidnap for ransom.

Dagdag pa ng kalihim na ang South Koreans ay siyang nangungunang international tourist na bumibisita sa bansa.

Noong nakaraang taon lamang ay mayroong naitala ang bansa na mahigit 1.5 milyon na mga turistang South Korea ang bumisita sa bansa.

Plano din ng kalihim na bumuo ng National Task Force on Tourist Safety kung saan inilapit na niya ito kay Executive Secretary Lucas Bersamin.