-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ng Department of Tourism (DOT) ang paglikha ng mas maraming “Muslim-friendly” na pasyalan sa bansa upang makahikayat ng mas maraming muslim na turista sa susunod na taon.

Sa ginanap nga na “Muslim-Friendly Travelogue of the Philippines”, sinabi ni DOT Secretary Christina Frasco na layon ng tourism guide sa local at foreign visitors na gawing mas inklusibo at angkop sa kultura ng mga Muslim ang mararanasan kapag bumisita ito sa isang lugar.

Tampok din sa travelogue ang kasaysayan ng Islam sa bansa, halal na pagkain at akomodasyon, gayundin ang mga pasyalan na tumutugon sa pangangailangan ng Muslim.

Kasama din sa mga inisyatiba ng DOT ang pakikipagtulungan sa mga hotel, paliparan, at pantalan upang magdagdag ng mga pasilidad gaya ng prayer rooms, partikular sa mga tourist rest area sa Sulu at Tawi-Tawi.

Batay kasi sa datos ng DOT mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, nasa mahigit 27,000 na mga turista mula sa United Arab Emirates at 16,300 mula sa Saudi Arabia ang bumisita sa Pilipinas. Umaasa rin si Frasco na lalagi pa ang bilang nito sa darating na taon.