-- Advertisements --

Pinayagan na ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dumalo sa detention hearing nito sa Pebrero 27.

Sa apat na pahinang ruling na ipinalabas ng ICC Pre-Trial Chamber 1 na kanilang inaprubahan ang hiling ng 80-anyos na si Duterte na i-waive ang ka niyang karapatan na dumalo sa taunang hearing ng kaniyang pagkakakulong.

Itinakda ito sa Pebrero 27 ng alas-2 ng hapon sa The Hague o ang huling araw ng confirmation of charges hearing ng ICC.

Dagdag pa ng ICC na wala sa legal na nasasakupan na mahalaga ang presensiya ng dating pangulo.