Sinentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong ang 65 anyos na dating Pangulo ng South Korea na si Yoon Suk-yeol, ngayong Huwebes, Pebrero 19.
Ito ay matapos hatulang guilty sa insurrection charges kaugnay sa kaniyang panandaliang martial law declaration na nagtagal lamang ng anim na oras noong Disyembre 2024.
Sa pagbaba ng hatol kay Yoon sa Seoul Central District Court, sinabi ni Presiding judge Ji Gwi-yeon na malinaw na intensiyon ng dating Pangulo sa kaniyang pagdedeklara ng martial law na i-paralisa ang National assembly.
Ayon pa sa hukom, sinira umano ni Yoon ang demokrasiya ng South Korea at nararapat lamang aniya ang mabigat na kaparusahan laban sa dating pangulo.
Ang pagdedeploy din aniya ng mga armadong sundalo sa gusali ng parliyamento at pagdadala sa kanila sa pamamagitan ng helicopter ay isang gawain ng insurrection.
Pagkatapos marinig ang hatol, hindi naman nagpakita ng emosyon ang dating pangulo ng South Korea habang matindig pagkadismaya at galit naman ang naramdaman ng libu-libong tagasuporta ni Yoon na nagtipun-tipon sa labas ng korte.
Nauna ng isinisilbi ni Yoon ang taon ng pagkakakulong niya sa isa pang conviction may kinalaman pa rin sa martial law order.
Ang defense minister ni Yoon na si Kim Yong-hyun ay hinatulan ding guilty at sinentensiyahan ng 30 taong pagkakakulong.
Samantala, dalawa sa defendants ang hindi nahatulang guilty kabilang sina Kim Yong-gun, dating pinuno ng defense ministry investigation bureau at Yoon Seung-yeong, dating opisyal sa police investigation bureau.
















