-- Advertisements --

Natagpuang patay ang isang pulis sa loob ng isang poso negro sa Malolos, Bulacan, matapos mawala ito ng mahigit isang linggo na ang nakakalipas. 

Ayon sa inisyal na report ng mga awtoridad, may tama ng baril sa batok ang biktima na pinaniniwalaang sanhi ng pagkamatay nito, bago ito ilibing kasama ang kanying nh helmet at top box ng motor. 

Lumabas naman sa isinagawang imbestigasyon na napikon ang suspek sa hindi maganda biro ng biktima kung kaya’t nabaril niya ito. Habang mayroon namang mismong nakakitang kapwa pulis sa krimen ngunit hindi hinuli ang suspek. 

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng mga pulis ang pinaghihinalaang gunman at isa pang suspek na nakatira malapit sa lugar kung saan nakita ang bangkay ng biktima. 

Samantala, mayroon pang pinaghahanap na 9 na suspek na sa posibling sangkot sa krimen.