trump no
US President Donald Trump

Kumambiyo si US President Donald Trump sa pagdalo nito sa impeachment hearing.

Ito ay dahil sa pahayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na walang anomalya ang naging pag-uusap nila ng US President.

Ayon kay Trump na dahil sa nasabing pahayag ng Ukraine President ay nagpapakita na walang kuwenta na ang nasabing impeachment.

Malinaw aniya na tila nilinis na ng Ukraine President ang pangalan nito.

Dahil sa nasabing pahayag ay hindi na ito interesado na dumalo pa at makibahagi sa ginagawang impeachment hearing.

Magugunitang unang inihayag ng US President na interesado itong dumalo sa isinasagawang impeachment hearing.

Nauna rito desidido ang US Congress na ma-impeach si Trump hanggang sa pasko.