-- Advertisements --

Nakatakda nang lagdaan bilang batas ni US President Donald Trump ang mega budget bill ng Amerika na nagpapalakas pa sa signature second-term policy ni Trump.

Ayon sa White House, inaasahang lalagdaan ito ni Trump dakong alas-5 ng hapon ng Biyernes, July 4 oras sa Amerika kasabay ng makasaysayang ika-250 anibersaryo ng Independence day ng Amerika o alas-5:00 ng umaga, araw ng Sabado, oras sa PH.

Ito ay matapos ipasa ng mababang kapulungan ng US Congress sa botong 218-214 ang budget bill kung saan dalawang Republican lamang na sina Reps. Thomas Massie ng Kentucky at Brian Fitzpatrick ng Pennsylvania kasama ang lahat ng 212 Democrats ang tumutol sa naturang bill.

Nauna ng ipinasa ng Senado ang naturang mega budget bill na tinawag na “big, beautiful bill” noong Martes.

Ang pagkakapasa naman ng naturang budget bill ay makalipas ang magdamagang marathon session sa mga ginawang rebisyon ng Senado sa legislation.

Kabilang sa mga tinapyasan ay sa Healthcare kabilang ang Medicaid, Medicare, Affordable Care Act, Planned Parenthood gayundin binawasan ang alokasyong pondo sa federal Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP) benefits, na ginagamit ng gobyerno para tulungan ang mga mamamayan na makabili ng pagkain kung hindi nila kayang bumili at Clean Energy Tax Credits.

Prayoridad naman sa panukalang pondo ang pagpapalawig pa ng 2017 Tax cuts and Jobs Act ni Trump na nagbabawas ng buwis na binabayaran ng mga korporasyon at indibidwal sa most income brackets na nakatakdang magpaso sa Disyembre.

Habang dinagdagan naman ng pondo ang immigration enforcement, military funding at space program, na kabilang sa mga ipinangako ni Trump noong kaniyang kampaniya.

Samantala, itinuturing naman ng White House ang pagkakapasa ng budget bill bilang isang malaking tagumpay