Naging mabunga ang pag uusap sa telepono nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Canadian Prime Minister Mark Carney.
Napag usapan ng dalawang lider ang pagpapalakas at pagpapalalim ng kooperasyon sa larangan ng trade at defense.
” Had a very good conversation with Prime Minister Carney of Canada. We discussd how our two nations can further strengthen and deepen cooperation in trade, defence and maintaining peace in our region,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Bukod dito ay kasama ding natalakay ng dalawang lider ang usapin sa pagmamantine ng kapayapaan sa rehiyon.
Sa nasabing pag-uusap ipina-abot ni Pangulong Marcos ang kaniyang taos pusong pasasalamat sa mabilis na tulong at suporta nito sa Filipino community sa Vancouver kaugnay ng malagim na trahedya sa Lapu-Lapu Day Festival kung saan 11 indibidwal ang nasawi at marami ang sugatan.
Umaasa naman ang Pangulo na mapapalawak pa ng Pilipinas at Canada ang pagkakaisa para sa kapakinabangan ng kani- kanilang mga mamamayan.