-- Advertisements --

Pumalag ang vlogger na si jack Agorta ukol sa posibeng pag-subpoena sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y pagpapakalat ng pekeng medical record ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Sa kanyang post sa Facebook, nagbigay ng mga tirada na reaksiyon si Argota, una niyang binatikos si Atty. Jesus Falcis at ipinagtanggol ang sarili. Aniya, “Umeksena nanaman itong si ɓaƙlang jesus.”

Sinabi kasi ng kilalang abogado na si Atty. Falcis na may dalawang malinaw na posibleng kasalanan si Argota, una rito ang pag-post ng umano’y pekeng medical record ng Pangulo, na posibleng lumabag sa medical at data privacy laws at ang pag-papakalat na may “kanser” si Marcos Jr., na itinuturing na fake news at hindi nakapaloob sa medical record.

Giit ng vlogger na nakita niya ang dokumento sa social media at na-enhance niya ito gamit ang ChatGPT.

“Alam mo ɓading hindi ako natatakot sa ganyang paandar nyo ok? Naunahan na kayo ni Meta, binigyan nya na ako ng parusa.

At anong fake news pinagsasasabi mo ɓaƙIa? E galing yan sa St. Lukes at nakita ko yan madaming beses sa mga vlogger naka public posts yan, e nalalabuan ako kaya pina enhanced ko kay ChatGPT.”

Sinabi rin niyang “patawa lang” ang kanyang komento tungkol sa “kanser” ng Pangulo.

“At yung sinabi kong may kanser sa kaliwang ɓetIog si BBM, e patawa ko nalang yan, hello? komedyante nga eh. Ang boring siguro ng chilhood nyong mga uhIoI kayo hahaha!”

“At last, never ako nanalangin na mamathai ang isang tao dahil naniniwala ako sa karma, mas malaki ang balik nun sa nananalangin. Pinapanalangin ko pa nga na wag sana mamathai si BBM para panagutin nya ang karumaldumal na pagnanakaw na ginawa nya sa bayan,” pahayag pa ni Agorta.

Maalalang sinabi ni NBI Acting Director Lito Magno, na iniimbestigahan ng ahensya ang mga indibidwal na sangkot sa pagkalat ng nasabing dokumento, na tinukoy niyang national security concern.

“Iniimbestigahan natin ‘yan dahil sa NBI, isa po sa ating mandato ay bantayan ang seguridad ng ating Pangulo, Vice President, and all the other top officials. Lumalabas ito na national concern, national security na rin po ito,” ani Magno.

“Tama po ang sinasabi na may karapatan ang taong malaman ang public health ng pangulo pero hindi po ‘yan nagbibigay ng pahintulot na kung ano-ano lang ang ilalabas natin at magkalat ng fake news,” dagdag niya.

Sa post pa ni Atty. Falcis, titingnan ng NBI ang lahat ng angulo tulad ng cyberlibel, false news (Revised Penal Code), data privacy, at kahit dinelete na ni Argota ang post, maaaring ma-retrieve pa rin ito bilang ebidensya.

Pero ayon kay Agorta: “Never ako nag delete ng posts ko, kaya nawawala yung ibang posts ko minsan ay nirereport, pina fact check at tulad neto ay nireremove ni meta due to privacy. Di ako aware sa batas ni Meta eh pake ko ba jan.”

Hinamon niya rin ang sinuman na ipakita ang orihinal na medical record ng Pangulo bilang basehan kung peke ito.

“Kung peka yan, e di ipakita nyo ang original para makumpara natin alin ang peke? Diba? Para may basehan, hindi yung puro kayo pag poprotekta jan sa kawatan na yan. Nagkakasakit na kakanakaw eh,” post pa ni Agorta.

“At last, never ako nanalangin na mamathai ang isang tao dahil naniniwala ako sa karma, mas malaki ang balik nun sa nananalangin. Pinapanalangin ko pa nga na wag sana mamathai si BBM para panagutin nya ang karumaldumal na pagnanakaw na ginawa nya sa bayan,” aniya pa.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang tungkol sa kontrobersiya.