Nagbabala ang Department of Education (DepEd) laban sa muling paglaganap ng mga pekeng impormasyon sa social media.
Tinukoy ng ahensiya ang paglabas ng impormasyong may mga elementary at high school classes na nakatakda sa araw ng Sabado.
Ayon sa DepEd, wala itong katotohanan.
Muli ring binalikan ng ahenisya ang iba pang fake news na ikinakalat sa social media na nagdudulot ng kalituhan sa publiko.
Kabilang dito ang cash aid, class suspension, scholarship program, at no-backpack policy na ayon sa DepEd ay pawang mga maling impormasyon na nakakapambiktima kapwa sa mga mag-aaral at mga estudyante.
Bago ang pasukan ay lumabas din ang maling impormasyon na madadagdagan ng Grade 13 ang senior high na agad ding pinabulaanan ng ahensiya.
Giit ng DepEd, huwag maniwala sa mga social media post na gawa-gawa lamang ng sinuman, bagkus ay komunsulta na lamang sa official DepEd website o magtanong mismo sa mga school management