-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagsuspende na rin ng klase ang lungsod ng Butuan kaninang umaga kahit hindi pa isina-ilalim sa wind signal number 1 na hatid ng bagyong Ada.

Ito’y matapos ang walang tigil na pag-ulan simula pa nitong nakaraang araw na Martes kung kaya’t nasa blue alert na rin ang City Disaster Risk Reduction and Management Department pati na ang mga Barangay DRRM Office.

Ayon kay Butuan City government spokesperson Michiko de Jesus, subso na mino-monitor ng City DRRMD teams ang mga barangays na nasa flashfloods at landslide prone areas kungsaan sa ngayon ang Brgy Sto Niño at Los Angeles pa lang ang may umapaw nang tubig-baha sa kalsada.

Samantala, inihayag naman ni Ensign Roy Christopher Orillaneda na suspendido pa rin sa ngayong ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Surigao area dahil sa naglalakihang mga alon.

Sa of alas-sais kaninang umaga, Biernes, umabot na sa mahigit 800 mga pasahero, halos 400 mga rolling cargoes at 28 mga watercraft ang stranded sa Lipata Port at sa Eva Macapagal Port sa Surigao City na parehong nabigyan na ng food packs ng city government ang ng kanilang pwersa simula pa kahapon.