-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Walumpung-porsiyento ng handa ang pamahalaang panlalawigan ng Agusan del Sur para sa pagho-host ng Palarong Pambansa 2026 na gaganapin ngayong buwan ng Mayo.

Ayon kay Governor Santiago “Santi” Cane Jr., nagsimula pa nitong nakaraang taon ang kanilang paghahanda para sa lahat ng aspeto tulad ng mga playing venues, mga tutuluyang billeting quarters ng mga delegado, at mga kinakailangang suplay, partikular na ang mga sports equipment kungsaan ang mga kagamitang wala sa kanila ay hihiramin nila sa Philippine Sports Commission (PSC).

Sa kasalukuyan, pina-finalize na nila ang implementasyon ng mga susunod na proseso para sa matagumpay na pagho-host ng nasabing palaro at upang masiguro ito, patuloy ang pagsasagawa at isasagawa pang mga pulong para sa higit pang pag-refine ng mga paghahanda.

Sa Pebrero a-11, magsasagawa ng executive committee meeting bilang bahagi rin ng preparasyon para sa nakatakdang joint meeting kasama ang Palarong Pambansa National Board na gaganapin sa kanilang lalawigan sa parehong buwan.

Bukod pa rito, magkakaroon ng national management committee meeting sa unang linggo ng buwan ng Mayo, ilang linggo bago idaos ang nasabing palaro.