-- Advertisements --

Agad na pinasibak sa puwesto ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla ang ilang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod ng Makati.

Sa ginawa nitong surpresang pagbisita ay nakita niya angmga nakaparadang sasakyan ng mga opisyal na siyang humaharang sa labasan at pasukan ng mga truck ng bumbero.

Dagdag pa ng kalihim na makakasagabal ang nasabing mga nakaparadang sasakayan kapag mayroon emergency silang rerespondihan.

Agad din nitong ipinag-utos na pagbawalan ang mga nakaparadang sasakayan sa harap ng fire station na siyang makakasagabal tuwing mayroon silang responde.