-- Advertisements --

Muling ipinagigiitan ni US President Donald Trump na magkakaroon sila ng bakuna laban sa coronavirus bago ang November presidential elections.

Sa kaniyang talumpati sa Labor Day celebration sa US, hindi nito maiwasan na ikumpara ang pamumuno niya kay dating president Barack Obama kung saan kapag siya ang namumuno pa ay hindi pa makakagawa ng bakuna.

Ipinagmalaki rin nito na napababa nila ang mga nasasawi dahil sa COVID-19 mula pa noong Abril.

Magugunitang makailang beses na ipinagmalaki ni Trump na mayroon na silang inilaan na pondo para sa pagbili ng bakuna.