-- Advertisements --

Muling nagbukas ng isang gate ang Ambuklao Dam kasunod ng muling pag-angat ng lebel ng tubig nito dahil sa malawakang pag-ulan.

Batay sa report na inilabas ng Hydrology Division ng state weather bureau ngayong araw, pumalo muli sa 751.73 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam.

Ito ay mahigit 20 centimeters lamang na mas mababa kumpara sa normal high water level ng dam na 752 meters.

Dahil dito, binuksan muli ang isang floodgate ng naturang dam at nagpapakawala ngayong ng 40 cms.

Nitong July 2 ay binuksan ng naturang dam ang dalawa nitong gate dahil sa malawakang pagbaha na nagdulot ng pagtaas ng antas nito at halos umabot pa sa NHWL nito.

Gayunpaman, tuluyan ding isinara ang dalawang gate kinalaunan.

Sa kasalukuyan, patuloy na binabantayan ang sitwasyon sa naturang dam habang una na ring naglabas ng abiso ang weather bureu para sa mga residenteng apektado sa pagpapakawala nito ng tubig.