-- Advertisements --

Tuluyan nang lumagpas ang lebel ng tubig ng Angat Dam sa normal high water level (NHWL) nito, kasunod ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

Batay sa monitoring report na inilabas ng Hydrology Division ng state weather bureau ngayong araw, Nov. 5, umangat ng 80 centimeters o halos isang metro ang antas ng tubig sa naturang dam.

Mula sa dating antas na 209.40 meters kahapon ay kasalukuyan na itong nasa 210.20 meters.

Ito ay 20 centimeters na mas mataas kumpara sa NHWL na 210 meters.

Sa kabila nito, nananatiling sarado ang lahat ng gate ng naturang dam, habang patuloy ding nakakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng watershed area ng naturang dam.

Samantala, sa kabila ng malawakang pag-ulan ay nananatiling nakasara ang spillway gates ng lahat ng malalaking dams sa bansa.