Nabawi ng Pilipinas ang ranggo nito bilang ikalawang pinakamalaking exporter ng saging sa buong mundo.
Palalawakin ng Department of Agriculture (DA) ang export portfolio para sa mga high-value crops (HVC).
Sa ilalim ng 2025 High Value Crops Development Program, nagbahagi ang DA ng 106,000 planting materials sa mga lokal na magsasaka upang higit pang pasiglahin ang produksyon ng saging at iba pang produktong agrikultural para tugunan ang demand sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., batay sa pinakahuling ulat ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations, kumpirmadong ang mga target na interbensyon ng pamahalaan ay nagbubunga ng positibong resulta.
Pumangalawa ang Pilipinas sa Ecuador sa pag-e-export ng saging at nananatiling nangungunang supplier ng saging sa Asya, matapos tumaas ng 25.6 porsyento ang export volume patungong 2.93 million metric tons (MMT) sa pagtatapos ng 2025.
















