Maaring hindi muna mag-export ang Pilipinas ng asukal sa United States ngayong taon.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA) na dahil sa nagkakaroon ng kakapusan ng suplay ng tubo o sugarcane.
Sinabi naman ni SRA administrator at Chief Executive Officer Pablo Luis Azcona na ang local production ng asukal ay hindi sapat para matugunan ang quota ng US ngayong taon.
Noong nakaraang taon kasi ay tinamaan din ng matindi ng mga pagbaha ang taniman ng mga tubo kaya naapektuhan ang lokal na produksyon.
Hanggang sa ngayon ay maarin maapektuhan ang produksyon din ng asukal dahil sa napipintong epekto ng El Nino.
Magugunitang noong taong 2021 hanggang 2022 at 2022 hanngang 2023 dahil sa kakulangan ng domestic production.
Maisasapinal pa nila ang desisyon kapag magsimula na ang milling season sa Oktubre 1.
















