Inamyendahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga patakaran upang bigyan ng mas maraming option sa pamumuhunan ang mga overseas Filipino.
Pinapayagan na ngayon ang mga Personal Equity and Retirement Account (PERA) Unit Investment Trust Funds (UITFs) na hindi sumunod sa dating limitasyon sa pagmamay-ari ng mga non-resident sa BSP securities.
Dahil sa bagong regulasyon, maaari nang mamuhunan sa BSP securities ang mas maraming investors na nasa labas ng bansa.
Matatandaang dati ay hindi pinayagan ang mga ito dahil sa ilang restriction sa non-resident ownership limit.
Ang mga tagapangasiwa ng ganitong sistema ay mga bangko at trust companies, at layuning pagsamahin ang pondo ng mga indibidwal upang makabuo ng diversified portfolio kahit sa maliit na halaga.
Layunin ng BSP na palakasin ang kalusugang pinansyal ng mga Pilipino, mapa-local man o abroad, at paunlarin ang pribadong pension system ng bansa.