Tumaas ang cash remittances mula sa mga Overseas Filipinos (OF) ng 3.7 porsyento, mula US$3.01 bilyon noong Setyembre 2024 patungong US$3.12 bilyon noong Setyembre 2025.
Sa kabuuan mula Enero hanggang Setyembre 2025, lumago ang remittances ng 3.2 porsyento at umabot sa US$26.03 bilyon, kumpara sa US$25.23 bilyon sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Nanatiling nangungunang pinagmumulan ng remittances ang Estados Unidos, na sinundan ng Singapore at Saudi Arabia.
Gayunman, may limitasyon sa datos dahil maraming remittance centers sa iba’t ibang bansa ang dumadaan sa mga correspondent banks na nakabase sa U.S., kaya’t lumalabas na ito ang pangunahing pinagmumulan ng pondo.
Samantala, personal remittances, kabilang ang cash na ipinadala sa pamamagitan ng bangko, informal channels, at remittances in kind, ay tumaas din ng 3.8 porsyento, mula US$3.34 bilyon noong Setyembre 2024 patungong US$3.46 bilyon noong Setyembre 2025.
Sa year-to-date, umabot ang personal remittances sa US$28.97 bilyon, mas mataas ng 3.2 porsyento kumpara sa US$28.07 bilyon noong Enero-Setyembre 2024.
















