-- Advertisements --

Inihayag ng Malakanyang na wala pang pag-uusap ukol sa posibleng alyansa sa pagitan ng administrasyon at oposisyon para sa 2028 elections.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Sen. Risa Hontiveros na hindi pa tiyak ang oposisyon kung kakailanganin nilang makipag-alyansa sa kampo ng Pangulo upang talunin ang kandidatura ni Vice President Sara Duterte sa 2028 Presidential elections.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, sa kasalukuyan ay hindi pa napag-uusapan ang nasabing posibilidad. 

Dagdag pa ni Castro, agad namang magbibigay ng update ang administrasyon sakaling magkaroon ng pag-unlad sa usapin.

Sa ngayon, hindi pa iniisip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pulitika lalo at malayo pa ang halalan.

Sa ngayon nakatuon ang Pangulo sa mga programa at proyekto para paunlarin pa ang bansa.

Binigyang-diin din ni Castro ang pagkakaiba ng “politician” at “statesman,” kung saan ang una ay nakatuon sa susunod na halalan habang ang huli ay iniisip ang susunod na henerasyon.

Sinabihan ni Castro si VP Sara na isang “politician”  matapos magdeklara na nang kaniyang presidential bid para sa 2028 national elections.