-- Advertisements --

Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maitatala ang inflation sa Disyembre 2025 sa pagitan ng 1.2 at 2.0 porsyento.  

Ang inflation sa nasabing period ay maaaring pinangunahan ng pagtaas ng halaga ng mga pangunahing pagkain bunsod ng nagpapatuloy na epekto ng masamang panahon at malakas na demand tuwing kapaskuhan, gayundin ng pagtaas ng presyo ng LPG at gasolina.  

Maaring maibsan ang mga ito ng mas mababang singil sa kuryente sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Meralco at ng bumababang presyo ng kerosene at diesel.  

Patuloy na susubaybayan ng BSP ang mga kaganapang lokal at pandaigdig na may epekto sa inflation at paglago ng ekonomiya, alinsunod na patakarang pananalapi na nakasandig sa datos.