-- Advertisements --

Pinalaya na ng kapulisan ang driver ng nakabangga sa estudyante na tumalon mula sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Fernando Poe Jr Station sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), na nagpasya ang ama ng 23-anyos na biktima na hindi na magsasampa ng reklamo laban sa driver.

Dahil dito ay pinalaya ng mga otoridad ang driver nitong hapon ng Pebrero 12.

Makikita aniya sa kuha ng CCTV na walang kapabayaan sa panig ng driver dahil makikitang sinadyang tumalon ang biktima.

Magugunitang umani ng batikos ang kapulisan matapos ang unang pahayag nila mahaharap sa kaso ang driver dahil sa insidente.