-- Advertisements --

Inanunsyo ng Guinness World Records noong Enero 28 na si Jude Owens, isang dalawang taong gulang na batang lalaki mula sa England, ay nabigyan ng dalawang bagong rekord sa snooker sa Manchester noong 2025.

Sa edad na 2 taon at 302 araw, siya ang pinakabatang lalaki na nakagawa ng pool bank shot at pinakabatang lalaki na nakagawa ng snooker double pot.

Ayon sa kanyang ama na si Luke Owens, likas sa anak ang galing sa snooker at agad aniya itong kinahiligan mula sa murang edad.

”Also, when I uploaded quite a few videos to social media, I had some big social media outlets reaching out to us to use the content,” ani Owens.

Inilarawan naman ng editor-in-chief ng Guinness World Records na si Craig Glenday ang tagumpay ni Jude bilang “incredibly special” at binigyang-diin na ang rekord ay bukas para sa lahat, anuman ang edad.