-- Advertisements --
Kinilala ang Guinness World Records ang isang bayan sa India matapos magpailaw ng 2.6 milyon lamps.
Isinagawa ang pagpapailaw sa northern Indian temple sa bayan ng Ayodhya, Uttar Pradesh bago ang Diwali na isang Hindu festival of lights.
Ilang libong mga volunteers ang nagsindi ng oil lamps sa Saryu river banks bilang pagdiriwang ng pagbabalik ng kanilang diyos na Rama sa sinilangang bayan nito matapos ang 14 na taon na pagpapaalis.
Dahil dito ay ginawaran ng Guinness World Records ang titulong “largest display of oil lamps” na nahigitan ang 2.51 milyon mula sa Ayodhya City sa India.