-- Advertisements --
Pumanaw na ang tinaguriang pinakamatandang at unang centenariana marathon runner sa edad na 114.
Si Fauja Singh ay nasawi matapos na mabundol ng sasakyan sa Punjab, India.
Nakumpleto nito ang Toronto Waterfront Marathon noong 2011 noong ito ay edad 100.
Nakapagrehistro ito ng record sa full marathon noong 2003 na tinapos ito ng limang oras at 40 minuto.
Bigo naman itong maitala sa Guinness Book of World Records dahil sa hindi ito nakapagbigay ng kaniyang birth certificate.