-- Advertisements --

Nakatakdang bumiyahe sa bansang India si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Assistant Secretary Analyn Ratonel, na dadalo ang pangulo sa BRICS Summit mula Setyembre 12-13.

Ang nasabing pagbiyahe ng Pangulo sa India ay dahil sa imbitasyon mismo ni Indian Prime Minister Narendra Modi.

Makakasama ng pangulo sa kaniyang biyahe sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda at Finance Secretary Frederick Go.

Ang BRICS ay isang international organization na kinabibilangan ng mga bansan Brazil, Russia, India, China,Egypt, Ethiopia, Indonesia, Iran, South Africa at United Arab Emirates.

Pagkakataon din ng Pangulo na ipaliwanag sa BRICS ang prioridad ng Pilipinas bilang chair ng ASEAN 2026.

Magkakaroon din ng pagpupulong ang Pangulong Marcos at si Modi kung saan tatalakayin nila ang pagpapalakas ng ekonomiya ng dalawang bansa at ang pagsusuri sa implementasyon ng five-year plan action ng taong 2025 hanggang 2029.

Makakapulong din ng pangulo ang ilang mga negosyante sa India kung saan magsasagawa ito ng follow up sa mga ipinangakong investments noong ito ay bumisita sa taong 2025.

Sa pagbisita kasi ng Pangulo noong nakaraang taon ay makauwi ito ng $5.8 bilyon na investment pledges na itinuturing niyang isang mabungang biyahe ng pangulo sa ibang bansa.