-- Advertisements --
Nagtala ng record sa kasaysayan ang bansang Japan.
Sa unang pagkakataon kasi ay nahigitan na nito ang 100,000 na bilang ng mga tao na may edad 100 o pataas.
Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, na ang populasyon ng mga centenarians ay muling umakyat sa ika-56 na pagkakataon.
Ngayong buwan pa lamang ng Setyembre ay mayroon ng 107,677 ang bilang ng mga centarian sa Japan.
Ito ay halos 8,000 na mas mataas kaysa sa nakaraang taon.
Karamihan sa nasabing bilang ay mga kababaihan na binubuo 88 percent o katumbas ng 94,298.
Sinabi naman ni Health Minister Kenichiro Ueno na marami ng mga mamamayan nila ang nananatiling aktibo at malusog na pangangatawan.















