-- Advertisements --

Dumating na sa New Delhi, India si President Ferdinand Marcos Jr para dumalo sa 18th BRICS summit na gaganapin ngayong Setyembre 12 at 13.

Kasama ng Pangulo sa biyahe si First Lady Liza Araneta-Marcos at ilang miyembro ng kanyang gabinete.

Dadalo si Marcos sa summit bilang kasalukuyang chair ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN, kung saan ilalatag niya ang mga pangunahing prayoridad ng Pilipinas at rehiyon.

Sa kanyang paglahok sa BRICS, nakatakdang isulong ng pangulo ang peace and security, inclusive growth, food at energy security, climate resilience at rules-based international order. Kabilang sa mga dadalong world leaders sina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin.

Bukod sa summit, makikipagpulong ang Pangulo kay Indian Prime Minister Narendra Modi upang repasuhin ang progreso ng Philippines-India strategic partnership, isang taon matapos ang kanyang state visit sa India.

Kabilang sa inaasahang pag-uusapan ng dalawang lider ang defense at maritime cooperation, trade and investment, ang panukalang preferential trade agreement, health at pharmaceuticals, digital cooperation, tourism, direct air connectivity at people-to-people ties.

Ayon kay Marcos, rerepasuhin din nila ni modi ang implementasyon ng five-year plan of action para sa 2025 hanggang 2029 na nagsisilbing pundasyon ng strategic partnership ng dalawang bansa.