-- Advertisements --

Opisyal ng natanggap ni Philippine National Police (PNP) chief Jose Melencio Nartatez Jr. ang kaniyang 4-star rank at Police General title.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang doning of rank kay Nartatez sa loob ng Malacañang bilang pang-32 na PNP chief.

Naantala ang opisyal na promosyon ni Nartatez matapos na hindi agad nagetiro ang pinalitan niyang si Nicolas Torre III.

Magugunitang sinibak sa puwesto si Torre noong Agosto matapos ang ilang buwan pagiging PNP chief dahil umano sa hindi pagkakaunawaan nila ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Noong nakaraang buwan ay itinalaga ni Pangulong Marcos si Torre bilang General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).