-- Advertisements --

Lumobo ng 7.1% ang net external liabilities ng Pilipinas mula P3.5 trilyon sa first quarter (Q1) tungo sa P3.7 trilyon sa Q2 2025, ayon sa paunang datos ng Balance Sheet Approach (BSA).

Ang paglaki ay bunsod ng mas mataas na external financing ng non-financial corporations sa anyo ng equity at investment fund shares, gayundin ng pagtaas ng utang ng pamahalaan sa mga nonresidents.

Bumaba naman ang pamumuhunan ng Bangko Sentral sa debt securities na inisyu ng mga dayuhan.

Para sa mga korporasyon, nanatiling pangunahing instrumento ng pondo ang loans, kasunod ang equity securities, kung saan tatlong-kapat ng kabuuang liabilities ay mula sa rest of the world at depository corporations.

Sa panig ng pamahalaan, lumawak ang net debtor position dahil sa pagtaas ng hawak na government securities ng nonresidents, financial corporations, at depository corporations.

Mahigit 70.1% ng obligasyon ng gobyerno ay denominated sa domestic currency, na nakatulong upang mabawasan ang epekto ng pagbabago sa palitan ng piso.

Ang BSA, na binuo ng IMF noong 2002, ay ginagamit upang masubaybayan ang mga potensyal na kahinaan ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagsusuri ng kabuuang assets at liabilities ng bawat sektor.