Patuloy na magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang trough o buntot ng bagyong Bising na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Extreme Northern Luzon habang makakaapekto naman ang Habagat sa nalalabing parte ng bansa ngayong weekend.
Base sa weather advisory ngayong Sabado, July 5, aasahan ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa sunod na 24 oras sa mga lugar sa Babuyan at Babuyan Islands dahil sa epekto ng trough ng bagyong Bising.
Asahan din ang parehong lagay ng panahon na mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at nalalabing parte ng Cagayan Valley dahil sa epekto ng Habagat.
Huling namataan ang bagyong Bising sa distansiyang 465 kilometers kanluran ng Basco, Batanes kaninang alas-2:00 ng hapon.
Mabagal na tinatahak ng bagyo ang silangan hilagang-silangang direksiyon patungo sa kanlurang karagatan ng Extreme Northern Luzon.
Kaugnay ng development na ito, pinapayuhan ang publiko na ipagpatuloy ang pagsubaybay sa mga update may kaugnayan sa bagyo.
Inaasahang lalakas pa ang bagyong Bising (Danas) bilang Severe Tropical Strom sa sunod na 24 oras at inaasahang mapapanatili ang lakas nito habang patawid sa Taiwan Strait.
Inaasahan na muling papasok ang bagyong bising sa PAR sa araw ng Lunes pero saglit lamang at lalabas din dakong hapon.