Nagbabanta ang mga serye ng mabibigat na pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa bagong low pressure area (LPA 12a) na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Maaaring magdulot ng malawakang pagbaha ang mga pag-ulan na inaasahang magtatagal sa loob ng ilang araw.
Batay sa December-4 flood advisory ng state weather bureau, maaring makaranas ng mabibigat na pag-ulan ang mga sumusunod na lugar.
Bicol Region: Catanduanes, Albay, Masbate, Sorsogon
Eastern Visayas: Leyte, Northern Samar, Biliran, Samar, Southern Leyte, Eastern Samar
Babala ng weather bureau, maaaring aabot hanggang 100mm ang bulto ng ulang babagsak sa mga naturang lugar
Maaari ring magpatuloy ito hanggang sa susunod na tatlong araw, at hindi inaalis ang posibilidad na lalo pang lumawak ang maaapektuhang lugar, tulad ng Negros Island Region at Western Visayas, lalo na pagsapit ng Sabado, Dec. 6.















