Posibleng maka-apekto sa bansa ang dalawang weather disturbance sa susunod na lingo (Christmas week).
Batay sa pagtaya ng state weather bureau, tropical cyclone-like vortex (TCLV) ang maaring mabuo sa eastern Mindanao. Gayunpaman, mababa ang tyansa nitong maging tropical cyclone.
Maaring isa pang TCLV ang mabuo sa Southern Palawan ngunit mababa pa rin ang tyansa nitong maging tropical cyclone.
Sa kabila nito, hindi pa rin inaalis ng weather bureau ang posibilidad na magkaroon ng pagbabago sa estado ng dalawang inaasahang mabubuong sama ng panahon, kasama ang magiging epekto nito sa bansa.
Una nang tinaya ng weather bureau na hanggang dalawang tropical cyclone ang posibleng papasok sa bansa ngayong buwan kung saan nauna nang umiral ang bagyong Wilma.
Sa kasalukuyan, nakaka-apekto sa bansa ang shearline at amihan na nagdudulot ng panaka-nakang pag-ulan sa ilang lugar.














