-- Advertisements --
Umabot sa mahigit 61,000 sea travelers ang naitala sa mga pantalan sa buong bansa nitong umaga ng araw ng pasko, Disyembre 25, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Batay sa monitoring ng PCG mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, 35,533 outbound at 26,130 inbound passengers ang dumaan sa mga pantalan.
Nagsagawa rin ng inspeksyon ang PCG sa 297 vessels at 621 motorbanca upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.
Nananatiling naka-heightened alert ang PCG hanggang Enero 4, 2026 dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.
















