-- Advertisements --
Maraming mga Pilipino ang piniling ipagdiwang ng araw ng Pasko (Dec. 25) sa Luneta Park, Maynila.
Maaga pa lamang ay nagtungo na ang mga ito sa naturang parke, kasama ang kani-kanilang mga pamilya, kaibigan at mga kasintahan.
Kaniya-kaniyang dala ng pagkain ang mga ito: ang ilan ay naglatag na ng mga banig na mahihigaan, habang ang iba ay nagdala ng kanilang sariling mga upuan.
Bukas ang Rizal Park sa publiko, habang hindi rin ipinagbabawal ang pagsasagawa ng picnic sa malawak na area ng buong parke.
Patuloy naman ang paalala ng National Parks Development Committee (NPDC) na may saklaw sa Luneta na panatilihin ang kalinisan sa buong parke at obsebahan ang tamang pagtatapon ng basura.
















