TACLOBAN CITY – Hindi napigilang pagsabihan ni DPWH Sec. Vince Dizon si District Engineer ng Calbayog City, Raulito Yangzon, kasama ang ilang kasamahan sa DPWH Calbayog, dahil sa hindi pa rin natatapos na konstruksyon ng tulay sa Calbayog Bypass Coastal Road nitong Lunes sa Samar.
Ayon kay Sec. Dizon, posibleng kaharapin ng mga nagplano at ng DPWH Calbayog ang kaso dahil sa hindi maayos na pagpapatupad ng proyekto.
Dagdag pa ni Dizon, sa kanyang inspeksyon ay lumabas na hindi dumaan sa Philippine Ports Authority (PPA) ang nasabing proyekto.
Binigyang-diin niya na kailangang ayusin ng DPWH Calbayog ang gusot at agad makipag-koordinasyon sa PPA.
Iginiit pa ni Dizon na dapat ipagdasal ng mga engineer ng DPWH Calbayog na pumayag ang PPA upang maresolba ang problema sa Calbayog Bypass Coastal Road.
Napag-alaman na sinimulan ang konstruksyon ng tulay noong 2019, ngunit hanggang ngayon ay nakatiwangwang pa rin.















