-- Advertisements --

Sumentro sa pagkakabuklod at pagmamahalan ang Pamaskong mensahe ni General Romeo Brawner Jr., ang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa heneral, ang Christmas season ay isang magandang oportunidad para sa lahat upang pagnilayan ang katatagan ng pagkakaisa at pakakabuklod-buklod, kapwa ng mga sundalo at ng mga Pilipino.

Para sa mga sundalo ng hukbo, umaasa ang 4-Star general na ang Yuletide season ay magsisilbing paalala sa kanila sa kapayapaan na sama-sama nilang pinoprotektahan.

Ang serbisyo at sakripisyo ng mga sundalo aniya ay nagpapakita sa tunay na halaga ng Pasko – selflessness, duty, at malasakit.

Para sa bawat Pilipino, ang tiwala at suporta ng mga ito sa AFP ay patuloy aniyang nagpapalakas at nagpapatatag sa buong hukbo.

Ang ibinibigay na suporta ng mga mamamayan aniya para maabot at mapanatili ang kapayapaan, ay mananatiling naka-preserba bilang patunay sa pagkakatoon ng isang matatag at nagkakaisang Pilipinas.

Umaasa ang heneral na ngayong Christmas season ay muling palalakasin ng bawat isa ang dedikasyon para maabot ang pangmatagalang kapayapaan at patatagin ang pagkakabuklod.