Posibleng makaranas ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang maraming lugar sa Visayas at Southern Luzon dahil sa epekto ng Tropical Cyclone Ada.
Ang mga naturang pag-ulan, ayon sa state weather bureau, ay posibleng magtagal hanggang sa weekend.
Ngayong araw (Jan. 15), posibleng makakaranas ng 50-100 mm na pag-ulan ang mga probinsiya ng Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur
Bukas, Jan. 16, posibleng mas matinding pag-ulan ang bubuhos sa mga probinsiya ng Catanduanes, Northern Samar at Eastern Samar. Ang mga naturang lugar ay inaashaang makakaranas ng 100-200mm ng ulan.
Makakaranas naman ng 50-100 mm ng ulan ang mga probinsiya ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, at Surigao del Norte
Sa araw ng Sabado, January 17, muling bubuhos ang 100-200 mm ng ulan sa mga probinsya ng Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Northern Samar, habang makakaranas naman ng 50-100 mm ng ulan ang mga probinsiya ng Camarines Norte, Masbate, Eastern Samar, Samar, at Biliran.
Ayon sa weather bureau, mataas ang banta ng pagbaha sa mga mabababang lugar at posibleng pagguho ng lupa. Posible ring tataas ang bulto ng ulan na bubuhos habang papalapit ang bagyong Ada sa kalupaan ng bansa.
















