-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng Wimbledon si two-time defending champion Carlos Alcaraz.

Ito ay matapos na talunin si unseeded Cam Norrie ng Britanya.

Hindi na pinaporma ng Spanish player ang Briton at nakuha nito ang score na 6-2, 6-3, 6-3 sa laro na tumagal ng isang oras at 39 minuto.

Dahil dito ay napalawig pa ni Alcaraz ang kaniyang panalo sa 23 na siyang maituturing na pinakamahaba sa torneo ng sinumang manlalaro na may edad 22 o pababa.

Unang nakakuha ay si Juan Martin del Potro na may 23 panalo sa 2008.

Si Alcaraz din ang pangalawang Spanish player sa kasaysayan na nakaabot sa men’s semifinals ng Wimbledon na ang una ay si Rafael Nadal.

Susunod na makakaharap nito ay si Number 4 Taylor Fritz ng US.