-- Advertisements --
Umakyat na sa 95 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Texas.
Pinakahuling biktima ay mula sa Kendall County habang karamihan sa nasawi ay mula sa Kerr County.
Kinilala naman ang kabayanihan ni US Coast Guard rescue swimmer Scott Ruskan matapos na makapagligtas ng 165 katao na karamihan sa mga dito ay mga bata.
Ibinabala naman ng mga otoridad na makakaranas pa rin ng matinding pagbaha dahil sa patuloy ang malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Texas.
Nakatakda namang bumisita sa araw ng Biyerne mga lugar na nasalanta si US President Donald Trump.