-- Advertisements --
Muling iniahin ni Senator Ronald dela Rosa ang tatlong panukalang batas na kaniyang isinusulong mula pa noong 18th at 19th Congress.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng muling pagbabalik ng parusang kamatayan para sa mga malalaking uri ng drug trafficking at ang pagkakaroon ng mandatory Reserve Offices Training Corps (ROTC) sa tertiary education at ang pag-amyenda sa party-list system.
Sinab ni Dela Rosa na ang pagbabalik ng parusang kamatayan ay sa pamamagitan ng lethal injections para sa large-scale drug trafficking.
Habang nakasaad sa panukalang batas nito sa mandatory ROTC na ang sinumang mag-aaral na bigong sumailalim sa ROTC ay hindi makakapagtapos sa pa-aaral.