-- Advertisements --
Pinangunahan ng Department of Agriculture Regional Field Office 8 at National Food Authority ang paglulunsad sa P20 per kilo na bigas sa Eastern Samar.
Ito ay sa ilalim ng programang “Benteng Bigas, Meron Na sa Este” sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Eastern Samar.
Ang pangunahing layunin ng programang ito ay magbigay ng abot-kayang bigas sa mga residente.
Ito ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng pamahalaan na tiyakin ang seguridad sa pagkain para sa lahat at upang mapagaan ang gastusin ng mga mamimili, lalo na sa panahon ngayon na patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin.
Sa mismong paglulunsad ng programa, may kabuuang 200 sako ng lokal na bigas ang ipinamahagi sa mga dumalo.
















