-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkawala ng 30-anyos na si Sherra De Juan sa Quezon City, apat na araw bago ang kanyang nakatakdang kasal noong Disyembre 14.

Ayon sa PNP, lahat ng posibleng anggulo, kabilang ang foul play, ay kanilang minomonitor.

Huling nakausap ni De Juan ang kanyang fiancé na si Mark Arjay Reyes noong Disyembre 10, kung saan sinabi niyang pupunta siya sa mall upang bumili ng sapatos para sa kasal.

Simula noon ay hindi na siya nakauwi hindi rin siya ma-contact dahil naiwan ang kanyang cellphone sa kanilang bahay ng mawala ito.

Isang Special Investigation Team naman ng Quezon City Police District ang inatasan sa kaso. Patuloy rin ang pagreview ng CCTV footage at pag-validate ng mga testigo upang mabuo ang timeline ng kanyang pagkawala.

Nanawagan din ang PNP sa publiko para sa anumang impormasyong makakatulong sa imbestigasyon.

Matatandaan na nag-alok ang fiancé ni De Juan ng P20,000 na pabuya para sa impormasyong magtuturo sa kanyang kinaroroonan.